Pumunta sa nilalaman

7shifts: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nilalaman na inalis Nilalaman na idinagdag
Bagong pahina: {{Infobox company | name = 7shifts | logo = 7shifts-logo.png <!-- thumbnail|xxx -->| caption = | type = Private | traded_as = | industry = | genre = <!-- Only used with media and publishing companies --> | fate = | predecessor = | successor = | foundation = {{Start date|2014}} | defunct = <!-- {{End date|YYYY|MM|DD}} --> | location = | location_city = {{nowrap|Saskatoon, Saskatchewan}} | locations = | area_served =...
(Walang pagkakaiba)

Pagbabago noong 18:26, 24 Oktubre 2024

7shifts
UriPrivate
Industriyasoftware industry Edit this on Wikidata
Itinatag2014 (2014)
NagtatagJordan Boesch (CEO)
Punong-tanggapan,
Canada
Pangunahing tauhan
  • Jordan Boesch (CEO)
ProduktoRestaurant management software
Dami ng empleyado
425
Website7shifts.com

Itinatag ni Jordan Boesch ang 7shifts, isang software para sa pamamahala ng mga manggagawa ng restawran, noong 2014.[1] Gumagawa ang kumpanya ng software na tumutulong sa mga manager ng restawran sa pagtalaga ng mga tao, payroll, komunikasyon, at iba pang gawain sa pamamahala ng mga manggagawa. Matatagpuan ang kanilang punong-tanggapan sa Saskatoon, Saskatchewan, Canada, at may karagdagang opisina sa Toronto.[2]

Kasaysayan

Nilikha ni Jordan Boesch ang 7shifts noong 2014 matapos makita ang mga paghihirap na dinaanan ng kanyang ama sa pamamahala ng kanilang mga kainan na Quiznos.[3] Dinisenyo nya ang software upang gawing mas madali ang proseso ng pagtalaga ng mga manggagawa sa kanilang restawran.

Sa simula, nagtatrabaho ang pitong empleyado ng kumpanya sa mga coffee shop at maliliit na opisina sa Regina, Saskatchewan.[4] Pribading pinondohan ang 7shifts nung una at, noong 2017[5], nakakuha ito ng $3.5 milyon sa seed round na lalong nagpabilis ng paglago nito. Nakatulong ang pakikipagsosyo ng Tandem Capital sa 7shifts na makilala sa larangan ng pamamahala ng mga manggagawa ng mga kainan.[6]

Pagsapit ng 2024, lumago ang 7shifts at nagkaroon na ito ng mahigit na 425 empleyado. Upang mapagkasya ang mga karagdagang manggagawa, lumipat sila sa mas malaking opisina sa Nutrien Tower sa Saskatoon. Sa parehong taon, ipinagdiwang ng kumpanya ang pagkakaroon ng 1 milyong tao at mahigit na 50,000 restawran na gumagamit ng software.[1]

Pagpopondo at Paglago

Simula ng itatag ang 7shifts, nakalikom na ito ng higit sa $150 milyon CAD mula sa iba’t ibang mga funding round. Sa mga unang yugto, nakalikom ang 7shifts ng $1.2 milyon sa isang seed funding round na pinangunahan ng Relay Ventures, kasama ang Globalive Capital, Boost VC, at Tim Draper.[7] Gamit ang mga nalikom na pondo, dinagdagan ng kumpanya ang kanilang sales team at ang mga bagong feature sa kanilang platform.

Noong Enero 2019, nakalikom ang 7shifts ng $10 milyon sa isang Series A funding round na pinangunahan ng Napier Park Financial Partners, kasama ang Teamworthy Ventures, Relay Ventures, at dating CEO ng Snagajob na si Peter Harrison.[8]

Noong Mayo 2021, nakalikom ito ng $21.5 milyon sa isang Series B funding round na pinangunahan ng Enlightened Hospitality Investments ni Danny Meyer, na lalong nagpabilis ng paglago ng kumpanya.[9]

Noong Pebrero 2022, nakakuha ang kumpanya ng $80 milyon sa isang Series C funding round na pinangunahan ng SoftBank Vision Fund 2, kasama ang Ten Coves Capital at Enlightened Hospitality Investments.[2] Ginamit ang pondo upang doblehin ang bilang ng kanilang mga manggagawa at palawakin ang kanilang mga inaalok na produkto upang masakop ang mas maraming aspeto ng gawain ng mga manggagawa sa mga kainan.

Malaki ang naging paglago ng 7shifts, at nadagdagan ng higit sa 10,000 mga restawran at 400,000 mga manggagawa sa kanilang platform noong 2021 lamang. Subalit, tulad ng maraming tech companies, humarap ang 7shifts ng mga hamon dulot ng nagbabagong kalagayan ng ekonomiya. Noong huling bahagi ng 2023 at unang bahagi ng 2024, kinailangan nitong magtanggal ng mga empleyado upang mairaos ang operasyon.[10]

Pagtanggap at Paggamit

Malawak na tinanggap ng mga iba’t-ibang uri ng kainan ang 7shifts. Ito’y ginagamit ng higit sa 50,000 restawran[1], kasama ang mga kilalang mga kumpanya tulad ng Bareburger, Smoke's Poutinerie, at Yogurtland. Pinupuri ang software dahil madali itong gamitin, lalo na ng mga maliliit hanggang katamtamang laki na mga restawran, at sa kakayahan nitong ma-integrate sa iba’t-ibang mga software na ginagamit ng mga kainan.

Nakapag-partner na rin ang 7shifts sa ibang mga kumpanya sa industriya. Nagbibigay daan sa mga restawran na mas mas humusay ang pagpapamahal ng mga gastusin na kay kaugnayan sa mga manggagawa ang tanyag na pakikipagsamahan nila sa MarginEdge. Natutupad ito sa pamamagitan ng pagkonekta ng labor data sa iba’t-ibang mga pangpinansyal na software.[11]

Parangal

Noong 2020, napabilang ang 7shifts sa "Best Workplaces for Mental Wellness" ng Great Place to Work.[12] Dulot ang pagkilala ng mga pagsisikap ng kumpanya na maging isang positibong tanggapan para sa mga empleyado. Kabilang ang pagbibigay ng flexible work-from-home options at pagsasagawa ng mga taunang team-building events upang maipakita ang pagpapahalaga sa kanilang mga tauhan.

References

  1. 1.0 1.1 1.2 Shawn P. Walchef (Hulyo 16, 2024). "Hospitality platform 7shifts secures $101.6 million CAD to increase staffing, product development". Entrepreneur.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Charles Mandel (Pebrero 10, 2022). "Hospitality platform 7shifts secures $101.6 million CAD to increase staffing, product development". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. CBC News (Enero 28, 2016). "Saskatoon tech company makes waves in restaurant world". CBC.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Saskatoon StarPhoenix (Agosto 5, 2015). "7shifts launches office in Saskatoon". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Funding Snapshot: 7shifts Secures $3.5 Million to Automate Restaurant Employee Scheduling". The Wall Street Journal. Agosto 30, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Charlize Alcaraz (Oktubre 22, 2021). "7shifts moves HQ to Nutrien Tower for its post-COVID workforce". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Jessica Galang (Mayo 26, 2016). "7shifts raises $1.2 million seed round to grow sales team". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Isabelle Kirkwood (Enero 25, 2019). "7shifts closes $10 million series A round to bring automation, compliance to restaurant management". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Joe Guszkowski (Mayo 25, 2021). "7shifts raises $21.5M in round led by Danny Meyer". Restaurant Business.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Josh Scott (Enero 19, 2024). "7shifts cuts 19 percent of staff in new layoffs to start 2024". BetaKit.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Jim Wilson (Hunyo 3, 2020). "MarginEdge, 7shifts Announce Integration". Hospitality Technology.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Medtronic Canada, 7shifts among best workplaces for mental health". Canadian HR Reporter. Mayo 17, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)