Pumunta sa nilalaman

Antiochus II Theos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 01:09, 10 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Barya ni Antiochus II.
Antiochus II
Haring Seleucid
Coin of Antiochus II.
Paghahari261–246 BCE
Mga pamagatTheos

Si Antiochus II Theos (Griyego: Αντίοχος Β' Θεός, 286BCE–246 BCE) ang hari ng Helenistikong Kahariang Seleucid na namuno mula 261 BCE hanggang 246 BCE). Kanyang hinalinhan ang kanyang amang si Antiochus I Soter sa trono noong tagginaw ng 262BCE–61 BCE. Siya ang mas batang anak na lalake ni Antiochus I at prinsesa Stratonice na anak ni Demetrius Poliorcetes. Sa panahon ng digmaan, siya ay binigyan ng pamagat na Theos (Griyego: Θεός, "Diyos") para sa mga Milesian dahil sa kanyang pagpaslang ng malupit na pinunong si Timarchus.[1] Kanyang namana sa kanyang ama ang isang katayuan ng pakikidigma sa Ehipto na tinatawag na Ikalawang Digmaang Syrian at kawalang katahimikan ng mga siyudad-estado sa Asya menor. Sa panahong si Antiochus ay abala sa pakikidigma sa Ptolemaikong Ehipto, ang kanyang satrap sa Parthia na si Andragoras ay nagdeklara ng kalayaan. Ayon sa epitome ni Pompeius Trogus sa Bactria ni Justin, ang kanyang satrap na si Diodotus ay nag-alsa rin noong 255 BCE at nagtatag ng kahariang Greko-Baktrinao na karagdagang lumawak sa India noong 180 BCE upang bumuo ng kahariang Greko-Indiano noong 180 BCE hanggang 1 BCE. Noong mga 238 BCE, si Arsaces ay nanguna sa paghihimagsik laban kay Andragoras na humantong sa pagkakatatag ng Imperiyanong Parthian. Ang mga pangyayaring ito ay pumutol ng mga komunikasyon sa India. Si Phylarchus[2] ay naghatid ng mga kasalukuyang eskandalo tungkol sa kanyang mga piging na nakakalasing at mga pakikipag-ugnayan sa mga hindi nararapat na mga binatang lalake. Sa mga panahong ito, si Antiochus ay nakipagpayapaan kay Ptolomeo II ng Ehipto na nagwawakas ng Ikalawang Digmaang Syriano. Itinakwil ni Antiochus ang kanyang asawang si Laodice II at ipinatapos siya sa Efeso. Upang selyohan ang kasunduan, kanyang pinakasalan ang anak na babae ni Ptolomeo na si Berenice at tumangap ng isang malaking dote.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Appianus, Syriaca, 65.
  2. In Athenaeum x.438c, also in Aelian, Various Histories, ii.41.