Kabinet
Ang kabinet[1] ay isang hugis-kahon na muwebles na may mga pintuan o mga drawer (kahon) para sa pag-imbak ng iba't ibang mga gamit. May mga kabinet na nakabit sa dinding ng bahay katulad ng kabinet ng gamot at mayroon naman na hindi. Kadalasang yari sa kahoy ang mga kabinet at mayroon din namang yari sa mga sintetikong materyales. Tinatawag na casework ang mga kabinet na may gradong komersiyal, na iba ang ginamit na materyal.
Kadalasang may isa o higit pa na mga pintuan ang kabinet sa harap, na nakadikit kasama ang hardware ng pintuan at paminsan-minsa'y may kandado. Maraming mga kabinet ang may mga pintuan at drawer o drawer lamang. Kadalasang may yaring ibabaw ang mga maliliit na kabinet na ginagamit para sa pagpapakita, o paggawa, katulad ng mga countertop na matatagpuan sa kusina.
Tinatawag din na aparador ang kabinet na imbakan din ng mga damit. Sa wikang Ingles, tinatawag ang aparador na wardrobe o armoire sa ibang mga bansa o isang closet kung ito'y bahagi na ng bahay.
Mga sanggunian
- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X