Motherboard
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Hulyo 2022)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Ang motherboard (o mainboard, system board, planar board o logic board o mobo) ay isang nilimbagang tabla ng sirkito (kilala sa Ingles bilang printed circuit board (PCB) na matatagpuan sa maraming makabagong mga kompyuter, na humahawak sa maraming mga mahahalagang mga bahagi ng sistema na ginagamit sa pagpapatakbo ng isang kompyuter. Ang motherboard ang pinagkakabitan ng CPU na tinuturing na utak ng kompyuter. Kung minsan, tinatawag din itong main board o system board, o kaya logic board sa mga kompyuter ng Apple.[1] Kaswal na pinaiikli ito kung minsan bilang mobo.[2]
Mga parte ng motherboard
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Saksakan ng CPU (CPU socket o CPU slot) kung saan ang isa o maraming CPU ay maaaring ikabit. Ang karaniwang mga socket ay mayroon mga nagpapanatiling clip na naglalapat ng konstanteng pwersa kapag ang isang kasangkapakan ay ipinasok. Para sa mga chip na may malaking mga bilang ng pin, ang mga socket na zero insertion force (ZIF) o land grid array (LGA) ang sa halip ginagamit. Ang isang saksakan ng CPU ay nagbibigay ng maraming mga tungkulin kabilang ang isang istrukturang pisikal upang suportahan ang CPU, suporta para sa isang heat sink at ang pinakamahalaga ay pagbuo ng interpasyong elektrikal sa parehong CPU at PCB. Ang isang uri ng socket ng CPU at chipset ng motherboard ay dapat sumuporta sa serye at bilis ng CPU.[kailangan ng sanggunian]
- Mga pasukan (slot) kung saan ang mga memorya ay ikinakabit partikular na ang mga DIMM na modyul na naglalaman ng DRAM.
- Chipset na nagsisilbing tagapangasiwa ng daloy ng mga datos sa pagitan ng CPU, memorya, at mga peripheral. Batay sa klaseng Pentium na mga microprocessor ng Intel, ang terminong chipset ay kadalasang tumutukoy sa isang spesipikong pares ng mga chip sa motherboard: ang northbridge at southbridge. Ang northbridge ay nag-uugnay ng CPU sa napakabilis na mga kasangkapan lalo na ang pangunahing memorya ng kompyuter at mga kontroler ng grapiko. Sa maraming mga modernong chipset, ang southbridge ay naglalaman ng ilang on-chip na integrated peripheral gaya ng Ethernet, USB at mga kasangkapang audio. Ang southbridge ay kadalasang maitatangi mula sa northbridge sa hindi nito direktang pagkonekta sa CPU. Sa halip, ang northbridge ay nagtatali ng southbridge sa CPU. Sa mga sistemang chipset ng Intel, ang southbridge ay pinangalanang Input/Output Controller Hub (ICH). Ang AMD simula ng mga Fusion APU nito ay nagbigay ng katawagang FCH o Fusion Controller Hub sa southbridge nito.[kailangan ng sanggunian]
- Hindi nawawalang memorya (Flash ROM) na naglalaman ng firmware o BIOS.
- Orasang henerador (clock generator) na lumilikha ng mga signal na orasan para maiwasan ang kalituhan sa pagtakbo ang mga parte ng motherboard. Ang signal ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng simetrikal na along kwadrado hanggang sa mas komplikadong mga kaayusan. Ang mga basikong bahagi na pinagsasaluhan ng lahat ng mga orasang henerador ang isang resonant circuit at amplifier. Ang amplifier circuit ay karaniwang bumabaliktad ng signal mula sa oscillator at nagpapakaing pabalik ng isang bahagi sa oscillator upang panatilihin ang oscillation.
- Mga konektor ng elektrisidad (power connectors) na tumatanggap ng elektrisidad mula sa suplay ng elektrisidad (power supply unit) ng isang kompyuter. Ito ay ginagamit upang mapatakbo ang mga kasangkapan ng isang motherboard.
Ang mga motherboard ay nililikha sa iba't ibang mga sukat at hugis na tinatawag na form factor na ang ilan ay spesipiko sa mga indibidwal na manufacturer ng kompyuter. Gayunpaman, ang mga motherboard na ginagamit sa mga sistemang kompatible sa IBM ay dinisenyo upang magkasya sa iba't ibang mga sukat. Ang mga form factor ay kinabibilangan ng mga sumusunod: WTX, AT, Baby-AT, BTX, ATX, EATX, LPX, microBTX, NLX, Ultra ATX, microATX, DTX, FlexATX, Mini-DTX, EBX, microATX, Mini-ITX, EPIC (Express), Mini ATX, ESM, Nano-ITX, COM Express, ESMexpress, ETX/XTX, Pico-ITX, PC/104 (-Plus), ESMini, Qseven, mobile-ITX, CoreExpress.[kailangan ng sanggunian]