Punong ministro
Ang punong ministro ang pinakamataas na ministro sa gabinete ng sangay ng tagapagpaganap ng pamahalaan sa sistemang parlamentaryo o batasan. Ang posisyon ay kalimitan, subalit hindi limitado, sa isang politiko. Sa maraming sistema ang punong ministro ang namimili at maaaring magtanggal sa ibang miyembro ng kabinite, at magtalaga ng mga miyembro sa mga posisyon sa pamahalaan. Siya ang karaniwang kasapi na nangunguna sa mga pulong at ang tumatayong tangapangulo ng gabinite. Samantalang sa ibang sistema lalo na sa sistemang semipresidensiyal ng pamahalaan, ang punong ministro ang opisyal na namamahala sa serbisyong sibil at nagpapatupad sa mga direktiba ng Pangulo.
Sa ganitong sistemang nakabatay sa sistemang Westminster, ang punong ministro ang nangunguna at ang mismong tumatayong pinuno ng pamahalaan at pinuno ng sangay ng ehekutibo. Sa ganoong sistema, ang pinuno ng estado o ang kinatawan ng pinuno ng estado (hal. ang Monarko, Pangulo, o Gobernador-Heneral), kahit pa opisyal na pinuno ng sangay ng tagapagpaganap, sa katotohanan ay humahawak ng posisyong seremonyal. Ang Punong Ministro ay kalimitan, subalit hindi palagi, kasapi ng parlamento o batasan at inaasahan kasama ng iba pang mga ministro na tiyakin ang pagpasa ng mga batas sa pamamagitan ng lehislatura. Sa ibang monarkiya ang monarko ay maaari ring gumamit ng mga kapangyarihang tagapagpaganap na binibigay sa korona ayon sa saligang batas nito at maaaring ipatupad na hindi na nangangailangan ng pagsang-ayon ng parlamento.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Samantalang ang modernong opisina ng Punong Ministro ay lumago sa Nagkakaisang Kaharian ang unang paggamit dito bilang ay ang pagtawag dito ni kardinal, kung saan, noong 1625 ay itinalaga siya bilang pinuno ng konsehong royal bilang punong ministro ng Pransiya. Si Luis XIV at ang mga sumunod sa kanyang hanay ay iniwasan itong gawing bansag sa kanilang mga ministro.
Ang bansag na Punong Ministro na alam natin sa ngayon ay mauugat noong ika-18 siglo sa Nagkakaisang Kaharian.
Simula pa noong midyebal na panahon ang hari ng Inglatera at Nagkakaisang Kaharian ay mayroong mga ministro na pinagkakatiwalaan nila at itinuturing bilang pinuno ng pamahalaan. Ang kapangyarihan ng mga ministro ay nakasalalay sa personal na kagustuhan ng monarko. Kahit na kasama sa mga dapat na rekisito ang kakayahang mamahala ng parlamento hindi sila nakadepende sa mayorya ng parlamento para sa kanilang kapangyarihan.
Titulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming iba't-ibang termino ang ginagamit para sa mga punong ministro. Sa Alemanya at Austria ang punong ministro ay tinatawag na kansilyer (chancellor) samantalang ang punong ministro ng Irlanda ay tinatawag na An Taoiseach. Ang punong ministro ay hindi opisyal na titulo nang humahawak ng opisina. Ang Punong Ministro ng Irlanda ay pangulo ng pamahalaan at sa mga Briton ang First Lord of the Treasury. Ang ilan pa sa mga kilalang paraan ay Pangulo ng Konseho ng mga Ministo (halimbawa sa Italya, Presidente del Consiglio dei Ministri), Pangulo ng Konsehong Tagapagpaganap, o Ministro-Pangulo. Sa mga bansang Eskandinabo ang punong ministro ay tinatawag na statsminister sa wikang bernakular (literal na "ministro ng estado").
Sa Nagkakaisang Kaharian kung saan ang uri ng pamahalaan ay pasa-pasa, ang mga pinuno ng pamahalaan ng mga Eskoses, Hilagang Irlandes at Gales ay tinatawag na Unang Ministro.
Sa Pakistan, ang punong ministro ay tinatawag na "Wazir-e-Azam", na nangangahulugang "Grand Vizier".
Paglalarawan ng tungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Wilfried Martens, na nagsilbi bilang Punong Ministro ng Belhika, ay inilarawan ang kanyang mga tungkulin bilang ang mga sumusunod:
- Una sa lahat ang Punong Ministro ay dapat makinig palagi, at kapag nagkaroon ng malalim na hindi pagkakasundo , dapat siyang magbigay ng solusyon sa usapin. Maraming paraan para gawin ito. Minsan kapag may diskusyon, itinatala ko ang mga elemento ng suliranin at umiisip ako ng mga suhestiyon na maaaring ihapag sa gabinete, ang Kalihim ay nagtatala. Ang mga ministro naman ay hinahangad na palitan ang mga pag-antala at mga pagkahinto. Ang Punong Ministro ay maaari ding gumawa ng suhestiyon na magbibigay ng sapat na espasyo para sa mga susog para mapanatili ang usapan sa tamang landasin. Kapag kailangan ng solusyon para maabot ang consensu, maaarin niyang utusan ang isa o dalawang ministro para sumali o umayaw.[1]
Talaan ng mga Punong Ministro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod ay talaan ng mga kasalukuyang punong ministro at ang mga impormasyon ukol sa mga tala.
Mga Tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Chancellor
- List of democracy and elections-related topics
- Pangulo
- Monarch
- Gobernador-Heneral
- Pinuno ng Estado
- Talaan ng mga Pinuno ng Bansa
- Heads of state timeline
- Punong Ministro ng Estados Unidos (pejorative or unofficial term)
Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Websayt ng Punong Ministro ng Albania Naka-arkibo 2012-01-13 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Australia
- Websayt ng Punong Ministro ng Barbados Naka-arkibo 2008-03-16 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Belgium Naka-arkibo 2007-12-09 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Bosnia & Herzegovina Naka-arkibo 2006-10-04 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Canada
- Websayt ng Punong Ministro ng Croatia
- Websayt ng Punong Ministro ng France Naka-arkibo 2006-06-15 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Georgia Naka-arkibo 2007-10-25 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Federal Tsanselor ng Germany Naka-arkibo 2012-10-14 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng the Hellenic Republic (Greece)
- Websayt ng Punong Ministro ng Hungary Naka-arkibo 2006-06-16 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Iceland
- Websayt ng Punong Ministro ng India
- Websayt ng Taoiseach of Ireland
- Websayt ng Punong Ministro ng Israel
- Websayt ng Punong Ministro ng Italy
- Websayt ng Punong Ministro ng Japan
- Websayt ng Punong Ministro ng South Korea Naka-arkibo 2006-05-02 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Malaysia
- Websayt ng Punong Ministro ng The Netherlands
- Websayt ng Punong Ministro ng New Zealand Naka-arkibo 2002-09-29 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Norway Naka-arkibo 2007-02-05 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Poland
- Websayt ng Punong Ministro ng Romania Naka-arkibo 2007-04-28 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Russia
- Websayt ng Chairman of Serbia and Montenegro Council Naka-arkibo 2006-08-05 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Slovenia
- Websayt ng President of the Government of Spain Naka-arkibo 2006-06-15 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Singapore
- Websayt ng Punong Ministro ng Sweden
- Websayt ng Punong Ministro ng Thailand Naka-arkibo 2000-10-24 sa Wayback Machine.
- Websayt ng Punong Ministro ng Trinidad and Tobago
- Websayt ng Punong Ministro ng Vietnam
- Websayt ng Punong Ministro ng the United Kingdom Naka-arkibo 2009-01-07 sa Wayback Machine.