Pumunta sa nilalaman

Agrate Conturbia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Agrate Conturbia
Comune di Agrate Conturbia
Ang Romanikong pabinyagan
Lokasyon ng Agrate Conturbia
Map
Agrate Conturbia is located in Italy
Agrate Conturbia
Agrate Conturbia
Lokasyon ng Agrate Conturbia sa Italya
Agrate Conturbia is located in Piedmont
Agrate Conturbia
Agrate Conturbia
Agrate Conturbia (Piedmont)
Mga koordinado: 45°40′35″N 8°33′08″E / 45.67639°N 8.55222°E / 45.67639; 8.55222
BansaItalya
RehiyonPiamonte
LalawiganNovara (NO)
Mga frazioneAgrate, Conturbia
Pamahalaan
 • MayorSimone Tosi
Lawak
 • Kabuuan14.54 km2 (5.61 milya kuwadrado)
Taas
337 m (1,106 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan1,544
 • Kapal110/km2 (280/milya kuwadrado)
mga demonymAgratesi, Conturbiesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
28010
Kodigo sa pagpihit0322
WebsaytOpisyal na website

Ang Agrate Conturbia (Piamontes: Agrà e Contòrbia, Lombardo: Agraa e Contorbia) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Novara, rehiyon ng Piamonte, Hilagang Italya, na matatagpuan mga 100 kilometro (62 mi) hilagang-silangan ng Turin at mga 25 kilometro (16 mi) hilaga ng Novara. Binubuo ito ng dalawang bayan, ang Agrate at Conturbia, na matatagpuan sa mababang burol sa pagitan ng Cressa at Borgo Ticino, sa timog ng Lawa Maggiore.

Ang Agrate Conturbia ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Bogogno, Borgo Ticino, Divignano, Gattico-Veruno, Mezzomerico at Suno.

Mga pangunahing tanawin

  • Kastilyo ng Agrate, kung saan ilang orihinal na bahagi ang nananatili matapos itong masira noong 1400
  • Kastilyo ng Conturbia, binago din
  • Simbahang parokya ng San Vittore, na naidokumento noon pang 978
  • Pabinyagan ng Agrate, sa estilong Romaniko. Ito ay inialay kay San Juan Bautista. Ang mas mababang seksiyon (batay sa isang Romanong edipisyo) ay mga 930, habang ang itaas ay mula sa mga 1120. Mayroon itong oktagonal na plano, na may isang maliit na portada na natatabunan ng isang solong bintanang partelus. Pinalamutian ng karagdagang triple, mga bintang bulag na partelus ang bawat mukha ng gusali, pati na rin ang mga banda Lombarda. Ang looban ay may mga ika-15 siglong fresco.
  • Liwasang Faunistikong La Torbiera, isang zoo na itinayo noong 1977.

Mga sanggunian

  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Amur leopard sa Liwasang Faunistico La Torbiera