Agrate Conturbia
Itsura
Agrate Conturbia | |
---|---|
Comune di Agrate Conturbia | |
Ang Romanikong pabinyagan | |
Mga koordinado: 45°40′35″N 8°33′08″E / 45.67639°N 8.55222°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Lalawigan | Novara (NO) |
Mga frazione | Agrate, Conturbia |
Pamahalaan | |
• Mayor | Simone Tosi |
Lawak | |
• Kabuuan | 14.54 km2 (5.61 milya kuwadrado) |
Taas | 337 m (1,106 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 1,544 |
• Kapal | 110/km2 (280/milya kuwadrado) |
mga demonym | Agratesi, Conturbiesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 28010 |
Kodigo sa pagpihit | 0322 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Agrate Conturbia (Piamontes: Agrà e Contòrbia, Lombardo: Agraa e Contorbia) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Novara, rehiyon ng Piamonte, Hilagang Italya, na matatagpuan mga 100 kilometro (62 mi) hilagang-silangan ng Turin at mga 25 kilometro (16 mi) hilaga ng Novara. Binubuo ito ng dalawang bayan, ang Agrate at Conturbia, na matatagpuan sa mababang burol sa pagitan ng Cressa at Borgo Ticino, sa timog ng Lawa Maggiore.
Ang Agrate Conturbia ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Bogogno, Borgo Ticino, Divignano, Gattico-Veruno, Mezzomerico at Suno.
Mga pangunahing tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kastilyo ng Agrate, kung saan ilang orihinal na bahagi ang nananatili matapos itong masira noong 1400
- Kastilyo ng Conturbia, binago din
- Simbahang parokya ng San Vittore, na naidokumento noon pang 978
- Pabinyagan ng Agrate, sa estilong Romaniko. Ito ay inialay kay San Juan Bautista. Ang mas mababang seksiyon (batay sa isang Romanong edipisyo) ay mga 930, habang ang itaas ay mula sa mga 1120. Mayroon itong oktagonal na plano, na may isang maliit na portada na natatabunan ng isang solong bintanang partelus. Pinalamutian ng karagdagang triple, mga bintang bulag na partelus ang bawat mukha ng gusali, pati na rin ang mga banda Lombarda. Ang looban ay may mga ika-15 siglong fresco.
- Liwasang Faunistikong La Torbiera, isang zoo na itinayo noong 1977.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)