Batas Jones (1916)
Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, U.S.A. at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.Ayon sa preamble ng Batas Jones,babawiin ng USA ang soberanya nito sa Pilipinas at kilalanin ang kalayaan ng mga Pilipino makaraang magkaroon ang Pilipinas ang isang matatag na pamahalaan.
Isa pang mahalagang probisyon ng Batas Jones ang pagtatag ng lehislatura na may dalawang kapulungan,ang Senado at ang kapulungan ng mga Kinatawan.Ang senado ay bubioinng 24 na kasaping inihal at 80 naman sa Kapulungan ng Kinatawan.May dalawang senador naman ang itinalaga ng gobernador-heneral upang magsilbing kinatawan ng mga Pilipinong hindi kristiyano.Bagama't Batas Jones ang unang batas na nagbigay ng pangakong kalayaan sa mga Pilipino,hindi tinukoy kung kailan ipinagkakaloob ang pangakong kalayaan.
Mga Tadhana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pambungad na salita o preamble, ipinahayag ng Batas Jones na "ang layunin ng mga mamamayan ng Estados Unidos ay alisin ang kanilang kapangyarihan sa Pilipinas at kilalanin ang kanilang kasarinlan agad pagkapagtayo ng isang matatag na pamahalaan:"
WHEREAS it was never the intention of the people of the United States in the incipiency of the war with Spain to make it a war of conquest or territorial aggrandizement;
WHEREAS it is, as it has always been, the purpose of the people of the United States to withdraw their sovereignty over the Philippine Islands and to recognize their independence as soon as a stable government can be established therein; and
WHEREAS for the speedy accomplishment of such purpose it is desirable to place in the hands of the people of the Philippines as large a control of their domestic affairs as can be given them without, in the meantime, impairing the exercise of the rights of sovereignty by the people of the United States, in order that, by the use and exercise of popular franchise and governmental powers, they may be the better prepared to fully assume the responsibilities and enjoy all the privileges of complete independence.
Ang Kagawarang Tagapagbatas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kapangyarihang pambatasan sa ilalim ng Batas Jones ay ipinailalim sa Lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng dalawang Kapulungan - Ang Senado (Mataas na Kapulungan) at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang Kapulunga'y kinakailangang ihalal ng taumbayan, matangi sa mga kakatawan sa mga di-binyagang lalawigan (Mountain Province at ang mga lalawigang Moro) na hihirangin ng gobernador-heneral. Sa gayon ang Komisyon ng Pilipinas na gumaganap bilang Mataas na Kapulungan at ang Asemblea ng Pilipinas na gumaganap bilang Mababang Kapulunga'y kusang inalis.
Ang Lehislatura ng Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaloob ang Batas sa Lehislatura ng ganap na kapangyarihan. Ang gobernador na Amerikano'y maaring hindi magpatibay ng alinman sa mga panukalang batas nito, nguni't ang hindi pagpapatibay ay maaring mapawalang-bisa ng dalawang-katlong botong magkahiwalay sa bawa't Kapulungan. Kung sakaling hindi sang-ayunan ng gobernador ang panukalang-batas o muling isaalang-alang ito, maipapadala niya ito sa Pangulo ng Estados Unidosna may kapangyarihang pagtibayin o di-pagtibayin.
Ang Kagawarang Tagapagpaganap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kapangyarihang tagapagpaganap, gayunpama'y taglay ng Gobernador Heneral na hinirang ng Pangulo ng Estados Unidos nang may pagsang-ayon ng Senadong Amerikano. Ginaganap niya ang kapangyarihang humirang ng pambayang-opisyal at huwag magpatibay sa panukalang batas na pinagpasyahan ng Lehislatura ng Pilipinas. Mayroon din siyang pangangasiwa at kapangyarihan sa lahat ng kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan. Maliban sa Kalihim ng Pambayang Pagtuturo (Secretary of Public Instruction), isang tungkuling inilaan sa Pangalawang Gobernador, lahat ng Kalihim na hinihirang ng Gobernador ay kinakailangan ng pagsang-ayon ng Senado ng Pilipinas.
Mga Gobernador Heneral ng Pilipinas sa Ilalim ng Batas Jones
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangalan | Panunungkulan |
---|---|
Ika-2 ng Setyembre, 1913 - ika-3 ng Oktubre, 1921 | |
Ika-4 ng Oktubre, 1921 - ika-6 ng Agosto, 1927 | |
Ika-1 ng Marso, 1928-ika-23 ng Pebrero, 1929 | |
Ika-4 ng Hunyo, 1929 - ika-9 ng Enero, 1932 | |
Ika-29 ng Pebrero - ika-16 ng Marso, 1933 | |
Ika-15 ng Hunyo, 1933 - ika-14 ng Nobyembre, 1935 |