Benetice (Světlá nad Sázavou)
Ang Benetice[1] ay isang maliit na nayon malapit sa bayan ng Světlá nad Sázavou sa (Czechia).
Dating mayroong isang pabrika ng salamin o bote sa Benetice. Wala na ito ngayon subalit nagmula sa pabrikang ito ang ilang mga kapangalanang pampook, tulad ng Na sušírnách o Sklárenský rybník (tawag sa isang lawa). Mayroong isang kampong pang-rekreasyon din sa Benetice na ginamit ng mga "piyonero", isang grupo sa republikang Czech, at ginamit rin ng mga kabataan mula sa Hunggarya, Poland, at Alemanya.
May isang punong linden (punong Tilia) sa damuhan ng Benetice, na itinanim noong 1945. At matatanaw mula sa Benetice ang kastilyong Lipnice.
Kasaysayan ng pangalan ng nayon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1375 - bilang Beneczicze
- 1787 - bilang Benetitz
Photos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- www.benetice.eu - Tungkol sa Benetice
- Pahinang Czech tungkol sa Benetice Naka-arkibo 2007-10-12 sa Wayback Machine.
- Mapa ng Benetice
49°41′01″N 15°21′19″E / 49.68361°N 15.35528°E Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.