Pumunta sa nilalaman

Chris Evans

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chris Evans
Evans (2014)
Kapanganakan
Christopher Robert Evans

(1981-06-13) 13 Hunyo 1981 (edad 43)
TrabahoActor
Aktibong taon2000–kasalukuyan

Si Christopher Robert Evans (pinanganak noong 13 Hunyo 1981) ay isang Amerikanong aktor. Siya ay sumikat para sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Not Another Teen Movie, Fantastic Four and Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer. Siya ay gaganap na pangunahing tauhan sa nalalapit na pelikulang hango sa komiks na may titulong Captain America: The First Avenger.

Si Evans ay pinanganak sa Sudbury, Massachusetts. Siya ay anak nina Lisa (née Capuano) at Bob Evans, isang dentist. Siya ay pamangkin ni US Kongresman Mike Capuano, na siyang kapatid ng kanyang ina. Mayroon siyang dalawang kapatid na babae, sina Carly at Shanna, at isang nakababatang kapatid na lalaki na si Scott. Si Scott ay nabigyan ng pagkakataong lumabas sa isang ABC soap opera na One Life to Live. Si Evans ay may lahing Italyano (galing sa kanyang lolo sa panig ng ina) at Irish at pinalaki bilang isang Katoliko. Nakapagtapos siya sa Lincoln-Sudbury Regional High School sa taong 1999 at nagplanong pumasok sa New York University pagkatapos ng mataas na paaralan.

Karera bilang aktor

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Evans na nasa Internasyunal na Pestibal ng Pelikula sa Toronto noong 2008

Pagkatapos ng Not Another Teen Movie, si Evans ay nagkaroon ng maraming pang pangunahing pagganap sa The Perfect Score at Cellular. Nagkaroon din siya ng pagkakataong umarte sa mga indie film sa Chicago sa pamamahala ng producer na si David Johnson. Dahil sa mga proyektong ito, nakita ng manonood ang ibang mukha ng pag-arte ni Evans. Sa pelikulang Fierce People, ginampanan niya ang karakter na si Bryce, na nagpapamalas ng nakakagimbal na ugali at mental na kalagayan habang unti-unting dumadaloy ang istorya. Sa pelikulang London, si Evans ay gumanap bilang drug adik na maraming problema sa mga relasyon niya sa ibang tao. Sa taong 2005, napili siya upang gumanap na Human Torch sa isang paghango ng komiks na Fantastic Four. Pinarangalan siyang 'Male Superstar of Tomorrow' sa 2005 Young Hollywood Awards. Ginampanan niya ulit ang karakter na Johnny Storm/The Human Torch sa Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer noong 2007. Sa taong iyon din, gumanap siya bilang isang inhinyerong naging astronaut sa isang sci-fi ni Danny Boyle na may titulong Sunshine. Dito rin siya nabigyan ng malaking paghangga bilang isang seryosong actor.

Noong 2008, si Evans ay lumabas sa Street Kings, kasama si Keanu Reeves, at sa The Loss of a Teardrop Diamond, kasama naman sina Bryce Dallas Howard at Ellen Burstyn. Lumabas din siya sa isang sci-fi thriller na may titulong Push kasama sina Dakota Fanning at Camilla Belle noong 2009.Siya mismo ang gumanap sa kanyang mga maaksyong eksena na kinunan ng mahigit isang lingo at nakatamo siya ng mga galos at pasa dahil dito. Lumabas siya sa isang artikulo sa The Advocate para sa kanyang pagganap sa Push.

Noong 2009, Si Evans ay may rangkong ika-474 sa Forbes' "Star Currency" base sa pandaigdigang hakot sa takilya ng kanyang mga pelikula.

Noong 2010, natapos siyang kunan para sa pelikulang Puncture sa Houston, Texas. Ang pelikulang ito ay napili sa ilabas sa 2011 Tribeca Film Festival bilang isang proyekto para sa kanilang ika-10 anibersaryo. Sa taong din na iyon, si Evans ay lumabas din sa The Losers, isang pelikulang hanggo sa Vertigo at DC Comics. Lumabas din siya sa isa pang pelikulang hango sa komiks ang Scott Pilgrim vs. the World, kung saan siya’y gumanap bilang Lucas Lee. Bukod dito, si Evans ay gaganap sa isang sikat na karakters sa Marvel komiks na si Captain America sa nalalapit na Captain America: The First Avenger, The Avengers at sa dalawang kasunod na pelikula ng Captain America.

Sa kasalukuyan, siya ay parte ng kampanya para sa Gucci Guilty at Guilty pour Homme.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakilala niya ang kanyang dating kasintahang si Jessica Biel noong 2001 dahil sa parehong kaibigan. Nagkasama din silang dalawa sa pelikula noong 2004 na may titulong Cellular at noong 2005 sa pelikulang London. Nagkahiwalay sila noong Hunyo ng taong 2006. Ang kanyang kapatid na isa ring actor, si Scott Evans, ay lumantad na isang bading. Pinahiwatig ni Chris ang kanyang suporta sa desisyon ng kapatid maging sa mga miyembro ng 3rd sex sa isang interview noong 2009 para sa The Advocate.

Buhay-pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Titulo gumanap bilang Tala
2000 Newcomers, TheThe Newcomers Judd
2000 Opposite Sex Cary Baston 8 kabanata, pangunahing aktor
2000 Fugitive, TheThe Fugitive Zack Lander Kabanata: "Guilt"
2001 Boston Public Neil Mavromates
2001 Not Another Teen Movie Jake Wyler
2002 Eastwick Adam Pelikula sa telebisyon
2003 Paper Boy, TheThe Paper Boy Ben Thomas Maikling pelikula
2003 Skin Brian Kabanata: "Pilot"
2004 Perfect Score, TheThe Perfect Score Kyle
2004 Cellular Ryan
2005 Fierce People Bryce Langley
2005 Fantastic Four Johnny Storm / Human Torch Nominado — MTV Movie Award for Best On-Screen Team
2005 London Syd
2007 TMNT Casey Jones Boses
2007 Sunshine Mace
2007 Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer Johnny Storm / Human Torch
  • Nominado — Teen Choice Award for Choice Movie Actor: Action Adventure
  • Nominated — Teen Choice Award for Choice Movie: Rumble
2007 Nanny Diaries, TheThe Nanny Diaries Hayden aka "Harvard Hottie"
2007 Battle for Terra Stewart Stanton Boses
2008 Street Kings Detective Paul Diskant
2008 Loss of a Teardrop Diamond, TheThe Loss of a Teardrop Diamond Jimmy Dobyne
2008 Robot Chicken Gobo Fraggle / Human Torch / Teacher / Pilot (voice)
2009 Push Nick Gant
2010 Losers, TheThe Losers Jake Jensen
2010 Scott Pilgrim vs. the World Lucas Lee
2011 Puncture Mark Weiss
2011 Captain America: The First Avenger Steven "Steve" Rogers / Captain America
2011 What's Your Number? Colin Shea
2012 Avengers, TheThe Avengers Steven "Steve" Rogers / Captain America