Pumunta sa nilalaman

Cotingidae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mga kotingga
Tandang ng Bato ng Andes, Rupicola peruviana
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Pamilya:
Cotingidae

Bonaparte, 1849
Mga sari

Marami, nasa teksto.

Ang mga Cotingidae, o mga kotingga (mula sa Ingles na Cotinga), ay isang pamilya ng mga ibong pangunahing pangkabugatang tropikal sa Kanlurang Hemispero. Magkakamukha sa kayarian ng kanilang mga organong pangtinig, mga binti, at mga paa ang lahat ng mga kotingga, ngunit nagkakaiba-iba sa anyo. May ilang kupas, subalit may iba namang matitingkad ang kakulayan at napapalamutian ng mga korona, balbas, o palawit, borloloy, o borlas.[1]

Kabilang sa mga kotingga ang makukulay at makikislap na mga tandang ng bato, na mayroong koronang hugis pamaypay na nagmumula sa tuktok ng ulo hanggang sa dulo ng tuka. Isa pang pambihirang kotingga ang ibong payong, na may mabalahibong karugtong na nakabitin sa lalamunan nito, na maaaring palobohin; mayroon din itong korona ng mga balahibo na maibubukang parang payong.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Cotingas". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng C, pahina 616-617.

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.