DZBB-AM
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (January 2011)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Pamayanan ng lisensya | Quezon City, Philippines |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Mega Manila, surrounding areas Selected RGMA relay stations (nationwide) Worldwide (online) |
Frequency | 594 kHz |
Tatak | GMA Super Radyo DZBB 594 |
Palatuntunan | |
Format | News and Public Affairs, Entertainment, religious, Talk, Public service |
Affiliation | RGMA |
Pagmamay-ari | |
May-ari | GMA Network |
DWLS | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | March 1, 1950, 1974 (as DZBB 580/Dobol B 580) 1979 (as DZBB 594/Dobol B 594) July 17, 1989 (as DZBB Bisig Bayan 594) January 4, 1999 (as Super Radyo DZBB 594) |
Dating frequency | 580 kHz (1950–72, 1974–79) |
Kahulagan ng call sign | Bisig Bayan (former branding) or BoB Stewart (former owner) |
Impormasyong teknikal | |
Power | 50,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live |
Website | gmanetwork.com/radio/dzbb |
Ang DZBB (maliwanag DZ-double-B; 594 kHz AM) brodkast bilang GMA Super Radyo DZBB 594 AM ay ang pangunahing himpilan ng radyo sa AM ng GMA Network sa Pilipinas. Ang kanilang studio ay matatagpuan sa loob ng GMA Network Center sa EDSA corner Timog Avenue, Diliman, Quezon City, samantalang ang kanilang transmisor ay matatagpuan sa Barangay Panghulo Obando, Bulacan.
24 oras ang pagsasahimpapawid ng Super Radyo DZBB 594 AM maliban sa Linggo, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi hanggang 3:00 ng madaling araw, at maliban sa Semana Santa ng Bawat Taon, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi sa Huwebes Santo hanggang 4:00 ng madaling araw sa Linggo ng Pagkabuhay.
Sa kasalukuyan, Ang Super Radyo DZBB 594 AM ay isa sa mga nangungunang himpilan sa AM band sa Kalakhang Maynila at isa sa mga pinakapinaparangalang himpilan ng radyo sa Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang Dobol B 580/594 (1950–1989)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang DZBB noong 14 Hunyo 1950 ni Robert "Uncle Bob" Stewart, sa isang maliit na silid tanggapan sa Gusaling Calvo, Escolta, Maynila, gamit ang mga lumang kagamitan at isang lumang transmitter. Kahit na kulang sila sa bagong kagamitan, ang himpilan ay nakapuntos ng mga karangalan dahil sa kanilang pagsasahimpapawid sa mga balita, mga huling kaganapan, mga nangyayari sa Senado at sa Kapulungan ng mga Kinatawan, mga eksklusibo at blow-by-blow na pagtutok sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa. Sila rin ang gumawa ng mga programang tumatak sa industriya tulad ng Camay Theater of the Air, Tawag ng Tanghalan, Newscoop, Kuwentong Kutsero at iba pa. Ang iba rito ay nasahimpapawid sa telebisyon.
Dahil sa pagiging matagumpay ng DZBB, napagpasyahan ni Bob Stewart na subukan ang telebisyon noong 23 Oktubre 1961 bilang RBS DZBB-TV Kanal 7 (na ngayo'y kilala na sa pangalang GMA-7 Maynila). Ang kanal 7 at ang DZBB ay naipagbili sa grupo nina Gilberto Duavit, Sr., Menandro Jimenez and Felipe Gozon noong 1974.
Bilang DZBB Bisig Bayan 594 (1989–1999)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong huling bahagi ng dekada '80 at unang bahagi ng Dekada 90, ang himpilan ay nakilala bilang "Radyo Bisig Bayan". Dahil dito mas naging kilala ang himpilan sa mga tagapagkinig ng radyo sa Kalakhang Maynila.
Bilang Super Radyo DZBB 594 (1999–kasalukuyan)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 4 Enero 1999, binago nila ang pangalan ng himpilan bilang "Super Radyo" at karamihan ng kanilang mga palatuntunan ay tungkol sa mga balita at kasalukuyang pangyayari sa bansa.
Noong 2017, opisyal na inilunsad ng DZBB ang kaunahunahang nitong Jingle para sa istasyon, maging na rin ang bagong ina-ayos na radio booth, maging na rin ang muling pag-lulunsad ng Dobol B sa News TV, matapos ang 5 taong pagka-wala sa telebisyon.
Dobol B sa News TV
[baguhin | baguhin ang wikitext]DZBB-AM | |
---|---|
Host | Mike Enriquez Joel Reyes Zobel Arnold Clavio Ali Sotto |
Bansang pinagmulan | Philippines |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | 3 hours (2011-2012) 5 hours (2017-kasalukuyan) |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA News TV |
Picture format | NTSC 480i |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 28 Pebrero 2011 kasalukuyan | –
Mga palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang karamihan ng mga palatuntunan ng DZBB ay tungkol sa balita, mga kasalukuyang isyu at pagsusuri sa mga ito. Ang kanilang mga programa sa umaga ay tinatampukan ng mga kilalang mamamahayag sa telebisyon. Ang mga sikat na programa nila ay kinabibilangan ng "Saksi sa Dobol B" ni Mike Enriquez at "Dobol A sa Dobol B", nina Arnold Clavio at Ali Sotto. Ang programa ni Mike Enriquez ay nagmula sa Saksi, isang balitaan sa telebisyon ng GMA Network na dati niyang tinatampukan.
Ang himpilang ito ay may balitaan na pinamagatang "Super Balita", at ito ay sumasahimpapawid ng tatlong beses kada araw; umaga (sumasahimpapawid sa lahat ng himpilan ng Super Radyo sa Pilipinas), hapon and gabi. Isinasa-ere din nila ang mga programa ng GMA Network at GMA News TV tulad ng 24 Oras, ang pangunahing balitaan ng GMA Network at "Dobol B sa News TV", kung saan mapapanood ang mga programa ng DZBB sa GMA News TV.
Mga personalidad ng radyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Arnold Clavio
- Mike Enriquez
- Manolo Favis
- Eddie Ilarde
- Joel Reyes Zobel
- Ali Sotto
- Nathaniel Cruz (GMA News resident meteorologist)
- Melo del Prado
- Rene Sta. Cruz
Mga dating personalidad ng radyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Robert "Uncle Bob" Stewart (deceased)
- Inday Badiday (deceased)
- Johnny Midnight (deceased)
- German Moreno (deceased)
- Jay Sonza
- Raul Virtudazo
- Mel Tiangco (former EVP and COO of GMA Kapuso Foundation, currently anchor of 24 Oras and host of Magpakailanman on GMA Network)
- Helen Vela (deceased)
- Gina de Venecia (former member of the Philippine House of Representatives for the 4th district of Pangasinan)
- Arnell Ignacio (currently Assistant Vice President for Community Relation and Services Department of the Philippine Amusement and Gaming Corporation)
- Bobby Guanzon (deceased)
- Jessica Soho
Mga himpilan ng Super Radyo sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Further information: Super Radyo stations
Mga kaugnay na artikulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Coordinates needed: you can help!