Pumunta sa nilalaman

Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga
Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga
Ang Mahal na Birhen sa Kanyang Damit Pangkapistahan (2021)
UriImahen ng Birheng Maria
Dambanaimage:180 pixels Parokya ng Nuestra Señora de la Merced, Candaba, Pampanga
PagtangkilikBahay Pare, Candaba, Pampanga

Rehiyong Tagalog ng Pampanga Bokasyon sa Pagpapari at Buhay Relihiyoso Proteksyon mula sa Sakuna

Mga Bilanggo
Mga katangianNiño Hesus, Espada, Sagisag Merseda Mercedaryo, Escapularyo ng Mahal na Birhen ng Panubos
Araw ng kapistahanSeptyembre 24

Ang Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga (Kastila: Nuestra Señora de la Merced de Pampanga, Ingles: Our Lady of Mercy of Pampanga), kilala bilang "Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga" ay isang imahen ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang titulong Ina ng Awa na pinipintuho sa kanyang parokya sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga, Pilipinas. Dinarayo ang parokya ng mga deboto upang manalangin dito para sa kanilang espiritwal, mental at pisikal na kalusugan, para sa kanilang pamilya, sa matagumpay na pag-aaral at para sa paglago ng bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso.[1][2]

Kilala ito bilang pinakaluma at orihinal na imahen ng titulong ito sa Pilipinas. Kilala rin siya bilang "Apung de la Merced" at "Nuestra". Ang kanyang kapistahan ay ginugunita tuwing Septyembre 24, ang liturhikal na kapistahan niya na ayon sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano.[2][3][4][1]

Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria, Nuestra Señora de la Merced ay nagmula sa bansang Espanya, kung saan maraming Kristiyano ang dinakip, pinag-uusig, at ginawang alipin ng mga Moro. Maraming tapat na binyagan ang nabilanggo dahil sa hindi nila pagsuko sa kanilang pananampalataya.

San Pedro Nolasco

Dahil sa patuloy na pagdalangin at paghingi ng awa, noong ika-2 ng Agosto, 1218, nagpakita sa isang mahimalang aparisyon ang Mahal na Ina ng Diyos kay Pedro Nolasco, Raymundo de Peñafort, isang paring Dominikano at kay Haring Jaime I ng Aragon. Ang aparisyong ito ay naganap mula hating-gabi ng ika-1 ng Agosto hanggang madaling araw ng ika-2 Agosto, sa magkakasunod na pagkakataon. Dito ay itinagubilin ng Mahal na Ina ang kanyang eskapularyo na naging instrumento sa pagpapalaya sa mga Kristiyanong bihag ng mga Moro. Si Pedro Nolasco, sa pakikipagtulungan nina Haring Jaime I at Raymundo de Peñafort, ang nagtatag ng Orden ng Nuestra Señora de la Merced (Mercedarian Order) na ang pangunahing misyon ay tubusin ang mga Kristiyanong bihag. Ang orden ay itinatag noong ika-10 ng Agosto, 1218 at pinagtibay ni Papa Gregorio IX. Siya rin ang nagpalabas ng kautusan na nagtatalaga sa ika- 24 ng Setyembre ng bawat taon bilang kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, sa ilalim ng titulong Nuestra Senora de la Merced. Ito ay ipinalaganap sa buong Santa Iglesia ni Papa Inocencio XII.

Tinatayang ika-18 siglo nang dalhin ng mga misyonerong Paring Kastila ang mapaghimalang imahen ng Nuestra Señora de la Merced sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga kung saan siya ay itinanghal bilang Patrona. Ang ilan naman ay nagsasabing ito ay dala ni Padre Aniceto dela Merced na siyang naging ika-78 na kura paroko ng Parokya ng San Andres sa Candaba, Pampanga at matagal na nanirahan sa bayan ng Baliwag, Bulacan. Siya ang sumulat ng sikat na Pasyong Candaba na nasusulat sa wikang Tagalog. Mula naman sa ilang impormasyon, ang imahen ay dala ng mga Hospitaller Brothers of St. John dahil pag- aari nila noon ang Hacienda de Bahay Pare. Hindi man matukoy ang tunay na pinagmulan ng imahen, malinaw na ito ay isa sa mga pinakamahalagang biyayang tinanggap ng parokya sa Bahay Pare. Sa lugar na ito nagsimula ang debosyon sa Mahal na Birhen, Nuestra Senora de la Merced sa Pilipinas. Siya ang naging sandigan ng mga mananampalataya para sa kagalingan ng mga maysakit, sa mga kalamidad at sakuna, sa panahon ng digmaan, para sa matagumpay na pag -aaral, para sa pagkakasundo ng pamilya, sa matatag na bokasyon sa buhay relihiyoso, sa panahon ng kagipitan, sa pagkakaroon ng matatag at buhay na pananampalataya.

Nuestra sa Pinac

Mahal na Birhen sa Pinac

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Agosto 22, 2021 and "Mahal na Birhen sa Pinac" o ang "Nuestra Señora de la Merced sa Pinac", isang monumento ng Ina ng Awa sa Pinac, Paligui, Candaba, Pampanga ay binasbasan ng Lub. Kgg. Florentino G. Lavarias, D.D., Arsobispo ng San Fernando kasama ang Lub. Kgg. Paciano Aniceto sa paggunita sa pagkareyna ng Mahal na Birheng Maria. Ito ay naging lokal na pasyalan ng mga tao.

Ang Nuestra sa Pinac ay isang regalo para sa ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang monumento ng Mahal na Ina ay plilano at dinisenyuhan ni Arkitekto Bryan Joseph DG Galang, UAP.  

Mga awitin sa Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Dalit sa Mahal na Birhen ng Awa Inang Birheng de la Merced
Antipona: //Nuestra Señora de la Merced, Mahal na Birhen ng Awa

Inang Liyag, Inang Dakila, Ipanalangin mo kami!//

(Dinagdag sa Pagsasalin sa Musika ni Cris Cadiang noong 2018)


Sa tulong mo, Birheng liyag

Na lunas ng nasa Hirap,

Dalitain mong iligtas

Ang sa sala’y nabibihag.


Ang puso mong mahabagin

Sa kristyanong inaalipin

Ng mga Morong suwail

Ay tinagos ng patalim

Ang lupang iyong nilakad

Sa sinta mo sa may hirap.


Si Raymundo at si Nolasco

Kapwa dakilang santo

At si Jaimeng lingkod mo,

Ang iyong pinasaklolo

Sa Kristiyanong nag-iiyak

Sa kaalipinan sa paghihirap.


Itinayo nilang lubos

Ang Orden mo sa pagsakop

Sa kamay ng mga Moro

Ang nasawing mga Kristyano

Aliw kang kaliyag-liyag

Ng Kristyanong nasa hirap.


Barcelona at ibang bayan

Ay binigyan kang galang

At di minsan natikman

Sa puso mo ang katamisan

Sila’y iyong iniligtas

Sa sari-saring paghihirap.


Ang sa iyo’y tumatawag

Pinakikinggan mo agad

Dala ng malaking habag

Sila’y iyong pinagkakapalad

Ang kristyanong naghihirap

Ang tulong mong walang liwag.


Inang kalinis-linisan

Pinataksi ng aming bayan,

Tanang dito’y napipisan

Iadya sa kahapisan

Tanggulan ng mga mahihirap

Imperatrix na marilag.


Dalitain mong iligtas

Ang sa sala’y nabibihag

Sa tulong mo, Birheng liyag

Na lunas ng nasa hirap.

Inang Birhen de la Merced

Mahal naming Patrona

Pari at tao mong mahal

Basbasan mong lubusan

O ina, ‘yong tulungan

Kumilala ng tunay

Sa’yong makainang lingap

At sa’yong pagmamahal
























Mga anggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Malabanan, James Benedict (2017). "Nuestra Señora de la Merced de Candaba – Candaba's Merciful Lady". NA.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Darang, Josephine (2006). A Purely Personal Book of Miracles: A Collection of Columns Published by the Philippine Daily Inquirer. Sound Publishing Corporation. ISBN 9718994807.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Santoro, Nicholas (2011). Mary in Our Life: Atlas of the Names and Titles of Mary, the Mother of Jesus, and Their Place in Marian Devotion. iUniverse. ISBN 1462040217.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Days of the Lord: Solemnities and feasts. Liturgical Press. 1991. ISBN 0814619053.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)