Pumunta sa nilalaman

Juan Bosco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa San Juan Bosco)
San Juan Bosco
Kumpesor, Tagapagtaguyod,
"Ama at Guro ng Kabataan"
Ipinanganak16 Agosto 1815(1815-08-16)
Castelnuovo d'Asti, Piedmont, Kaharian ng Sardinia
Namatay31 Enero 1888(1888-01-31) (edad 72)
Turin, Kaharian ng Italya
Benerasyon saSimbahang Katolika Romana
Komunyong Anglicano
Beatipikasyon2 Hunyo 1929[1], Roma ni Pio XI
Kanonisasyon1 Abril 1934, Roma ni Pio XI
Pangunahing dambanaBasilica of Our Lady Help of Christians, Turin, Italya
KapistahanEnero 31
Patronbaguhang Kristiyano, patnugot, tagapaglathala, batang mag-aarál, kabataan, salamangkero, kabataang naliligaw ng landas

Si San Juan Bosco (Italyano: Giovanni Melchiorre Bosco; 16 Agosto 1815[2] – 31 Enero 1888[3][4]), tanyag sa pangalang Don Bosco, ay isang Italyanong paring Katoliko, edukador at manunulat noong ika-19 na dantaon. Habang nagtatrabaho sa Turin sa Italya, kung saan marami ang nagdurusa sa epekto ng industriyalisasyon at urbanisasyon, pinag-ukulan niya ng pansin ang pagbibigay ng edukasyon at mapabuti ang kalagayan ng mga batang kalye, kabataang naliligaw ng landas at iba pang kabataang nasasadlak sa kahirapan. Nagtaguyod siya ng ibat ibang pamamaraan ng pagtuturo na batay sa pagmamahal sa halip na pagpaparusa, isang pamamaraang nakilala bilang Salesian Preventive System.[5] Bilang tagasunod ng espirituwalidad at pilosopiya ni San Francisco de Sales, inilaan ni Don Bosco sa kaniya ang kaniyang mga gawain nang itatag niya ang Salesians of Don Bosco na nakabase sa Turin.[6] Kasama ni Maria Domenica Mazzarello, itinatag niya ang Institute of the Daughters of Mary Help of Christians, isang relihiyosong kongregasyon ng mga madreng may dedikasyon sa pagkalinga at pagtuturo ng mahihirap na kabataang babae.

Sa utos sa kanya ng Mahal na Ina at suporta ng mga nananalig at deboto ni Santa Maria, natapos maipagawa ni San Juan Bosco ang Basilika ni Maria Mapag-ampon ng mga Kristiyano sa Turin taong 1868. Makalipas ang isang taon, kanyang itinatag ang Association of Mary Help of Christians (ADMA) noong 18 Abril 1869. Ang ADMA ay isang Samahang Layko ng mga Sumasampalataya na may pangunahing layunin na ipalaganap ang debosyon kay Hesus sa Santissimo Sakramento at debosyon sa Mahal na Ina sa kanyang titulong, Tulong ng mga Kristiyano. 

Noong 1876, itinatag ni Don Bosco ang isang kilusan ng mga laiko, ang Association of Salesian Cooperators, na may katulad na misyong pang-edukasyon para sa mahirap.[7] Noong 1875, nagsimula siyang maglathala ng Salesian Bulletin.[8][9] Nagpapatuloy ang paglathala ng Bulletin hanggang sa ngayon, at inilalathala sa 50 iba't ibang edisyon sa 30 wika.[8]

Nagtatag din si Don Bosco ng ugnayan ng mga organisasyon at mga sentrong magpapatuloy ng kaniyang mga gawain. Kasunod ng kaniyang beatipikasyon noong 1929, kinanonisa siyang santo sa Simbahang Katolika Romana ni Papa Pio XI noong 1934.

Ipinanganak si San Juan Bosco sa gabí ng 16 Agosto 1815 sa mga kabahayan sa gilid ng burol ng Becchi, Italya.[10] Siya ang pinakabatang anak ni Francesco Bosco (1784–1817) at Margherita Occhiena. May dalawa siyang nakatatandang kapatid sina, Antonio at Giuseppe (1813–1862).[10] Ang mga Bosco ng Becchi ay mga katiwala sa bukid ng pamilyang Moglian. Ipinanganak si Juan Bosco noong panahon ng matinding kakulangan at taggutom sa kanayunan ng Piedmonteses, kasunod ng pagkawasak na dulot ng mga digmaang ni Napoleon at tagtuyot noong 1817.[11]

Namatay ang kaniyang amang si Francesco noong siya'y dalawang taong gulang pa lamang, at naiwan sa kanilang inang si Margherita ang pangangalaga ng tatlong magkakapatid.[1] Malaki ang ginampanang papel ng kaniyang ina sa paghubog at katauhan ni Don Bosco,[12] at maaga niyang tinaguyod ang mga mithiin ng kaniyang anak.[13][14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Saxton, Eugene. "St. Giovanni Melchior Bosco." The Catholic Encyclopedia. Vol. 2. New York: Robert Appleton Company, 1907. 2 Peb. 2013
  2. Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Volume I, 1815 – 1840, p. 26
  3. Coulter, Myers & Varacalli 2012
  4. Saint of the Day, 31 January: John Bosco Naka-arkibo 2017-08-01 sa Wayback Machine. SaintPatrickDC.org. Hinango noong 2012-03-09.
  5. Morrison 1999, p. 51
  6. Farmer 2004, p. 121
  7. "Salesian Cooperators". Salesians of Don Bosco, Province of Mary Help of Christians, Melbourne. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2011. Nakuha noong 9 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "The Salesian Bulletin in the World". Eircom.net, Dublin. Nakuha noong 2 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Volume XIII (1877–1878), p. 191
  10. 10.0 10.1 Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Tomo I, Kabanata 3, pp. 20–28
  11. Ang Tagtuyot ng Piedmont ay nagtagal mula 1817 hanggang 1819. Tingnan ang The Majesty of Charleston ni Peter Beney, p.64, 2005 edisyon.
  12. Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Tomo I, Kabanata 7, pp. 44–49
  13. "Venerable Margaret Occhiena". Salesian Society of Don Bosco. 8 Pebrero 1995. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-20. Nakuha noong 17 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Steve Whelan. "Mamma Margaret". Salesian Bulletin, Don Bosco West. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-13. Nakuha noong 17 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)