Pumunta sa nilalaman

Saynete

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinta ni Petrov-Vodkin ng mga tagapanood ng saynete sa isang teatro.

Ang parsa o saynete ay isang komedya na naglalayong magbigay ng aliw sa mga tagapanood sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalabisan, karangyaan na malayong mangyari.[1] Kadalasang hindi maintindihan ang balangkas ng saynete ngunit ang mga tagapanood ay hinihimok na huwag sundan ang balangkas upang hindi malito o malipos. Gumagamit din ang saynete ng mga pagpapatawang pisikal, ang paggamit ng sinadyang kalokohan, at malawak na di-makakatotohanang pagganap. Sinusulat ang mga saynete para sa tanghalan at pelikula. At saka, kadalasang nasa isang partikular na lokasyon ang tagpuan ng saynete, kung saan nangyayari ang lahat ng mga kaganapan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "farce - Free On-Line English Dictionary - Thesaurus - Children's, Intermediate Dictionary - Wordsmyth" (sa wikang Ingles).