Pumunta sa nilalaman

Therblig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang therblig ay isang pangalan sa wikang Ingles para sa isang pangkat ng mga galaw o kislot na kinakailangan upang maisagawa ng isang manggagawa ang kinakamay na operasyon o gawain. Binubuo ang pangkat ng 18 mga elemento, na bawat isa ay naglalarawan ng isinapamantayang aktibidad. Nakatala ang mga ito sa ibaba na katabi ang katumbas na mga salita sa Ingles:

Ang 18 therbligs
  • Paghanap (Search)
  • Paghagilap (Find)
  • Pagpili (Select)
  • Pagtangan (Grasp)
  • Paghawak (Hold)
  • Posisyon (Position)
  • Pagbuo (Assemble)
  • Paggamit (Use)
  • Pagbaklas (Disassemble)
  • Pagsuri (Inspect)
  • Paglulan sa panghakot (Transport loaded)
  • Pagdiskarga sa panghakot (Transport unloaded)
  • Posisyon bago pa ang susunod na operasyon (Pre-position for next operation)
  • Pagpapakawala sa karga (Release load)
  • Hindi maiiwasan antala (Unavoidable delay)
  • Maiiwasang antala (Avoidable delay)
  • Plano (Plan)
  • Pahinga upang mapangibabawan ang kapaguran (Rest to overcome fatigue)

Ginagamit ang therblig sa pag-aaral ng ekonomiya ng mosyon o kilos sa pook ng hanap-buhay o trabaho. Sinusuri ang gawain sa lugar ng pinaghahanapbuhayan sa pamamagitan ng pagtatala ng bawat isa sa mga yunit na therblig para sa isang proseso, na ginagamit ang mga kinalabasan o resulta para sa optimisasyon ng gawaing kinakamay sa pamamagitan ng pag-aalis ng hindi kinakailangang mga galaw.

Binaligtad na anyo ng salita o apelyidong Gilbreth ang therblig, kung saan itinuring na isang titik lamang ang 'th'. Nilikha ito ni Frank Bunker Gilbreth at Lillian Moller Gilbreth, ang mga Amerikanong sikologong umimbento ng larangan ng pag-aaral ng panahon at galaw.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Gilbreth, Frank; Carey, Ernestine Gilbreth (1948). Cheaper by the Dozen.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Aft, Lawrence (2000). Work Measurement and Methods Improvement. New York: John Wiley & Sons, Inc. ISBN 0471370894.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Singleton, W. (1982). The Body at Work. Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 0521240875.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]