Thomas Johann Seebeck
Si Thomas Johann Seebeck (9 Abril 1770 – 10 Disyembre 1831) ay isang pisikong Estoniano na noong 1821 ay nakatuklas ng epektong termoelektriko. Ipinanganak siya sa Reval (kilala sa ngayon bilang Tallinn, Estonia) sa isang mayamang pamilya ng mga negosyanteng Baltikong Aleman. Nakatanggap siya ng isang degri pangmedisina noong 1802 mula sa Pamantasan ng Göttingen, subalit mas ginusto niyang pag-aralan ang pisika. Noong 1821, natuklasan niya ang epektong termoelektriko, kung saan ang isang salikop ng hindi magkaparehong mga metal ay nakalilikha ng isang daloy ng kuryente kapag nadarang sa isang gradyente (gradient) ng temperatura, na sa kasalukuyan ay tinatawag na bilang epektong Peltier–Seebeck at naging batayan ng mga thermocouple at ng mga thermopile.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Estonya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.