Dakilang Selyo ng Estados Unidos
Ang Dakilang Selyo ng Estados Unidos (Ingles: Great Seal of the United States) ay isang pangunahing pambansang simbolo sa Estados Unidos ng Amerika.
Kalakhang idinisenyo ni Charles Thomson, kalihim ng Kongresong Kontinental, at William Barton, at unang ginamit noong 1782, ang selyo ay ginagamit upang patotohanan ang ilang mga dokumentong inisyu ng pederal na pamahalaan ng Estados Unidos. Mula noong 1935, ang magkabilang panig ng Dakilang Selyo ay lumitaw sa kabaligtaran ng isang-dolyar na salapit. Ginagamit ang eskudo de armas sa mga opisyal na dokumento—kabilang ang mga pasaporte ng Estados Unidos—insignia ng militar, mga plakard ng embahada, at iba't ibang watawat. Ang Selyo ng Pangulo ng Estados Unidos ay direktang nakabatay sa Dakilang Selyo, at ang mga elemento nito ay ginagamit sa maraming ahensiya ng gobyerno at mga selyo ng estado.
Ang mga opisyal na bersiyon ngayon mula sa Kagawaran ng Estado ay higit na hindi nagbabago mula sa 1885 na mga disenyo. Ang kasalukuyang rendering ng reberso ay ginawa ng Teagle & Little ng Norfolk, Virginia, noong 1972. Ito ay halos magkapareho sa mga nakaraang bersiyon, na kung saan ay batay sa 1856 na bersiyon ni Lossing.[1][2]
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hulyo 4, 1776, sa mismong araw na idineklara ng labintatlong kolonya ang kalayaan mula sa Gran Britanya, pinangalanan ng Kongresong Kontinental ang unang komite na magdisenyo ng Dakilang Selyo, o pambansang sagisag, para sa bansa. Katulad ng ibang mga bansa, ang Estados Unidos ay nangangailangan ng isang opisyal na simbolo ng soberanya upang gawing pormal at selyuhan (o lagdaan) ang mga pandaigdigang kasunduan at transaksiyon. Inabot ng anim na taon, tatlong komite, at ang mga kontribusyon ng labing-apat na kalalakihan bago tuluyang tinanggap ng Kongreso ang isang disenyo (na kinabibilangan ng mga elementong iminungkahi ng bawat isa sa tatlong komite) noong 1782.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Eagle and the Shield, p. xxxvii
- ↑ The vector version of the obverse at the top of this article was taken from U.S. government publications, while the vector reverse was made by a Wikipedia contributor and patterned after this official one.
- ↑ Bureau of Public Affairs. "The Great Seal of the United States" (PDF). U.S. Department of State. Nakuha noong Pebrero 3, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)