Kalye Zobel Roxas
Kalye Zobel Roxas Zobel Roxas Street | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.2 km (1.4 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N171 (Kalye Tramo) sa Malate |
Dulo sa timog | Kalye Tejeron–Abenida J.P. Rizal sa Santa Ana |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Kalye Zobel Roxas (Ingles: Zobel Roxas Street) ay isang kalye na bumubuo sa timog-silangang hangganan ng Lungsod ng Maynila at hilagang hangganan ng mga lungsod ng Makati at Pasay sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito mula Kalye Tramo sa ligid ng Singalong ng Malate hanggang sa Kalye Tejeron sa Santa Ana. Mayroon itong maikling ekstensyon paglampas ng panulukan ng Kalye Tejeron–Abenida J.P. Rizal bilang Kalye Del Pan. Ang haba ng kalye ay 2.2 kilometro (1.4 milya).
Ang Zobel Roxas at iba pang mga kalye sa ligid nito (tulad ng mga Kalye Jacobo, Consuelo, Don Pedro, at Ayala) ay pinangalanan sa Pamilyang Zobel de Ayala na nagpausbong ng mga subdibisyong para sa mga taong nakaluluwag sa buhay sa mga ligid ng Singalong at San Andres noong dekada-1930.[1] Ang mga ligid na ito ay bumuo sa bahagi ng malawak na Hacienda de San Pedro Macati na binili at pinaunlad ng pamilyang Ayala para gawing mga nayon pang-komersyal at panresidensyal sa Maynila at Makati.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ayala Land Group of Companies". RealEstateCagayan.com. Nakuha noong 28 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)