Abenida Dr. Arcadio Santos
Abenida Dr. Arcadio Santos Dr. Arcadio Santos Avenue | |
---|---|
Daang Sucat (Sucat Road) | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) | |
Haba | 4.8 km (3.0 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N195 (Abenida Ninoy Aquino) sa San Dionisio, Parañaque |
| |
Dulo sa silangan | E2 / AH26 (South Luzon Expressway) sa Sucat, Muntinlupa |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Parañaque, Muntinlupa |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Dr. Arcadio Santos (Ingles: Dr. Arcadio Santos Avenue), na dating tinawag na (at mas-kilala ng mga lokal na residente bilang) Daang Sucat (Ingles: Sucat Road), ay isang pangunahing lansangang silangan-pakanluran sa Parañaque, katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang kanlurang dulo nito ay sa Kalye Victor Medina sa Barangay San Dionisio, bilang karugtong ng Abenida Ninoy Aquino, at ang silangang dulo nito ay sa South Luzon Expressway, sa may hangganan ng lungsod sa Sucat, Muntinlupa, kung saan magiging Daang Meralco ito paglampas patungong Estasyon ng Sucat ng PNR. Ang haba nito ay 4.8 kilometro (3.0 milya).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dating tinawag na Sucat Road ang daan, mula sa pangalan ng baryo sa Muntinlupa at sa estasyong daangbakal nito kung saan tinutunguhan ito. Ang kasalukuyang pangalan nito ay mula kay Dr. Arcadio Santos, isang taga-Parañaque na punong lalawigan ng Rizal mula 1920 hanggang 1922, kung kailan bahagi pa ng lalawigan ang noo'y bayan ng Parañaque.[1]
Noong Setyembre 2013, isang panukalang-batas ang isinulat sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na naglalayong bigyan ng bagong pangalan na President Cory Aquino Avenue (Abenida Pangulong Cory Aquino) ang abenida. Ang panukalang-batas na ito, na isinulat ni Rep. Eric Olivarez, ay nakabinbin pa rin sa Komite ng Pagawaing Bayan at Lansangan ng Senado mula Oktubre 2013.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The Governors of Rizal Province". Rizal Provincial Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-06. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hon. Olivarez, Eric L." House of Representatives of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-16. Nakuha noong 15 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)