Lansangang-bayang Marikina–Infanta
Lansangang-bayang Marcos Marcos Highway Lansangang-bayang Marikina-Infanta Marikina–Infanta Highway | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 117.5 km (73.0 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N59 (Bulebar Aurora) at N11 (Abenida Katipunan) sa Lungsod Quezon |
Dulo sa silangan | Barangay Poblacion 1, Infanta, Quezon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Lansangang-bayang Marcos (Ingles: Marcos Highway), na tinatawag ding Lansangang-bayang Marikina- Infanta (Marikina- Infanta Road) o Lansangang-bayang MARILAQUE (MARILAQUE Road; mula sa mga unang titik ng Maynila, Rizal, Laguna, at Quezon), ay isang lansangang-bayang bulubundukin na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon sa Luzon, Pilipinas. Nagsisimula ito sa Marikina (sa sangandaan ng Bulebar Aurora at Abenida Katipunan ng C-5). Dumadaan ito sa Lambak ng Marikina at sa lungsod ng Antipolo, kung saan binabagtasan nito ang Lansangang-bayang Sumulong (sa Tagpuang Masinag o Masinag Junction). Paglampas, dadaan ito (sa paraang pa-akyat) sa mga Kabundukan ng Sierra Madre. Dadaan naman ito sa Tanay at Santa Maria, Laguna bago matapos sa Infanta, Quezon.
May haba na 117.5 kilometro (73 milya) ang lansangan. Sa bahaging Marikina matatagpuan ang nakaangat na estasyon ng Santolan ng Linya 2. Ito ang huling bahagi ng Daang Radyal Blg. 6 ng sistemang pamilang ng mga daanan ng Kamaynilaan.
Itinuturi na isa sa mga pinaka-matanawing daan sa bansa ang Lansangang-bayang Marikina–Infanta, kasama na ang Lansangang-bayang Halsema sa hilagang Luzon at Pan-Philippine Highway (AH26) sa katimugang Luzon. Dumadaan ito sa mga matanawing liwaliwan (resorts) tulad ng Boso Boso Highlands Resort sa Antipolo, Pranjetto Hills Resort sa Tanay, at Garden Cottages Residences Look-Out Point sa Tanay.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umiiral ang Lansangang-bayang Marcos(Lansangang-bayang Marikina–Infanta) mula noong panahon ng mga Amerikano bilang Highway 55, na kinabilangan ng kasalukuyang Kalye Legarda (Calle Alix noong panahon ng mga Kastila), Bulebar Ramon Magsaysay, at Bulebar Aurora.[kailangan ng sanggunian]
Paglalarawan ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bahagi sa Malawakang Maynila (hanggang sa Tagpuang Masinag)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsisimula ang Lansangang-bayang Marcos(Lansangang-bayang Marikina–Infanta) bilang pisikal na karugtong ng Bulebar Aurora sa ilalim ng Katipunan Flyover. Bahagyang liliko ang lansangan sa sangandaan nito sa Abenida Andres Bonifacio na papuntang kabayanan ng Marikina, at pagkatapos ay tatawid ng Ilog Marikina. Ang Tulay ng Diosdado B. Macapagal na umuugnay sa C-5 ay sasama sa harap ng SM City Marikina. Kalinya ng lansangan ang Linya 2 at ang linyang subtransmisyon ng Cainta-Marikina ng Meralco. Bahagyang magliliko muli ang lansangan pagkaraan ng kasalukuyang silangang dulo ng Linya 2 sa pagtumbok ng Cainta. Kalaunan papasok ito sa lalawigan ng Rizal.
Ang bahaging ito na kadalasang tinatawag na Lansangang-bayang Marcos ay isang daang hinahatian ng panggitnang harangan na tinatampok ng mga U-turn slot at linyang pambisikleta. Ilang establisimiyento, tulad ng Riverbanks Center, SM City Marikina, Robinsons Metro East, Santa Lucia Mall, at SM Masinag ay mga pangunahing pook-palatandaan na mapapasukan mula sa lansangan. Ang mga linyang subtransmisyon ng Meralco ay naglilinya sa bahaging Cainta-Masinag ng lansangan.
Bahaging Rizal-Laguna-Quezon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kahabaan ng lansangang-bayang ito ay isang pamantayang daan na may dalawa hanggang anim na mga linya at nahahati ng mga palatandaang panlinya katulad ng mga pambansang lansangan sa mga lalawigan. Nag-iiba ang sukat o lawak ng daan na nakasalalay sa densidad ng lokasyon gayundin ng distritong inhinyero kung saan maaaring maganap ang mga pagpapalawak ng daan na tinakda ng DPWH.
Mga bilang ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula nang ipinatupad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang bagong sistema ng pagbibilang ng ruta noong 2014, ang Lansangang-bayang Marikina–Infanta ay isang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 59 (N59) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas sa Malawakang Maynila. Mula Rizal hanggang Quezon, nananatiling hindi nakabilang ang daan bilang isang pambansang daang tersiyaryo.
Mga sangandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lalawigan | Lungsod/Bayan | km[1] | mi | Mga paroroonan | Mga nota |
---|---|---|---|---|---|
Marikina | N11 (Abenida C.P. Garcia / Daang C-5) | Sangandaang may ilaw-trapiko. Tumutuloy pakanluran sa Lungsod Quezon bilang Bulebar Aurora | |||
Abenida Andres Bonifacio | Pasilangang rampa at pakanlurang sangandaan na nasa-lupa. Nagbibigay-daan papasok sa Lansangang-bayang Marikina–Infanta pasilangan sa pamamagitan ng U-turn slot. | ||||
Daang FVR / Abenida Riverbanks | Binagong palitan na pinaghiwalay. | ||||
Ilog Marikina | Tulay ng Marcos | ||||
Marikina | SM City Marikina Access Road | Pakanlurang daan lamang. Nagbibigay-daan papuntang SM City Marikina | |||
Tulay ng Diosdado Macapagal / Abenida Fernando | Palitang Tulay ng Diosdado Macapagal at Abenida Fernando. Papuntang Daang FVR at Abenida Fernando. | ||||
Hangganang Marikina–Pasig | |||||
Pasig | Abenida Eulogio Amang Rodriguez / Kalye J.P. Rizal | Pasilangan at pakanlurang daan lamang. Ang daan mula sa salungat na direksiyon ay sa pamamagitan ng U-turn slot. | |||
Hangganang Pasig–Marikina | Kalye Nicanor Roxas / Emerald Drive / Abenida F. Mariano | Pasilangan at pakanlurang daan lamang. Ang daan mula sa salungat na direksiyon ay sa pamamagitan ng U-turn slot. | |||
Pasig | Robinsons Metro East Access Road | Pasilangang daan lamang. Nagbibigay-daan papuntang Robinsons Metro East. | |||
Hangganang Kalakhang Maynila–Rizal | Hangganang Pasig–Cainta | ||||
Rizal | Cainta | Sta. Lucia East Access Road | Pasilangang daan lamang. Nagbibigay-daan papuntang Sta. Lucia East Grand Mall. | ||
Hangganang Kalakhang Maynila–Rizal | Hangganang Marikina–Cainta | Abenida Felix / Abenida Gil Fernando | Daan mula sa salungat na direksiyon sa pamamagitan ng U-turn slot. Dating sangandaan na may ilaw-trapiko. | ||
Rizal | Hangganang Cainta–Antipolo | ||||
Antipolo | Abenida Golden Meadows | Pasilangang daan lamang. | |||
SM City Masinag Access Road | Pakanlurang daan lamang. Nagbibigay-daan papuntang SM City Masinag | ||||
N59 (Lansangang=bayang Sumulong) | Sangandaang ilaw-trapiko. Kilala rin bilang Tagpuang Masinag (Masinag Junction). | ||||
Quezon | Infanta | N601 (Daang Real–Infanta) | |||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "North Manila". 2016 DPWH data. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-13. Nakuha noong 13 Agosto 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)